Lakad-takbo si Anyah, nanginginig ang buong katawan. Kanina pa siya nagdadasal na sana ay ayos lang ang kaniyang asawa, pero iba ang sinasabi ng isip niya. Kagaya lang iyon noong tawagan siya ni Elias at sabihin nitong nasa ospital si Jacob at hindi pa nagigising. All negative thoughts were crumpled on her head. Kinakain niyon lahat ng matinong kaisipan niya, bumabalik din ang lahat ng mga pinagdaan niya. Even guilt flooded her whole system every time she heard bad news about her husband. And every time she thought she was needed, it was him who pushed her away. But . . . not now. Alam niyang ayos na sila, alam niyang hinihintay siya ng kaniyang asawa. Alam niya, hindi na sila babalik sa dati dahil siya mismo ang aayos ng relasyon nila. “A-ahm, miss, saan naroon ang asawa ko. I mean . . . si Mr. Jacob Lagdameo,” naginginig ang mga labing tanong niya. Ang mga kamay niyang nakapatong sa marmol na receptio
Last Updated : 2026-08-19 Read more