“Tsk! Paano ko ba kayo naging mga kaibigan?” mahinang wika ni Elias, gusot ang mukha, habang nakamasid sa bungad ng abandonadong gusali na kinaroroonan nila. “Ah . . . I missed this place,” natatawang wika naman ni Skyler. “Hindi pa pala ito ginigiba?” “Eh, para namang ang tagal na mula noong manggaling tayo dito. Hindi ba noong nakaraang taon lang iyon?” sabi ni Kristoff. “Hindi! Ang hina mo naman sa math. Akala ko ba businessman ka?” asik ni Kuatro dito. Ngumisi naman si Kristoff. “Ah, hindi ba? Sorry, my bad.” Kumamot pa ito sa ulo, halatang nang-aasar lang naman. “That was two years ago. Muntik na ring manganib noon ang propesyon ko,” singit ni Elias. “At ngayon, parang gusto ko na kayong itakwil. Dahil sa inyo nagiging makasalanan ako,” dagdag pa nito. Para na
Last Updated : 2026-08-31 Read more