Pagbalik ng kaniyang Kuya Enrico sa kwarto ng mga mommy nila, dala na nito ang bag ni Anyah. “Here . . .” Iniabot nito iyon sa kaniyang asawa na madali naman nitong tinanggap. “Anak, maligo ka kaya muna at magbihis? Kumuha ka ng damit ng daddy mo sa closet. You can’t be sick lalo na ngayong kailangan ka ng mag-ina mo,” utos kay Jacob ng kaniyang ina. “After we check Anyah’s phone, mom.” “No, Jacob. Mommy is right. Ako na dito. Bilisan mo na lang ang paliligo,” pigil sa kaniya ng kaniyang Kuya Enrico. “They’re right, darling. Baka hindi ko na kayanin kapag sa ikatlong pagkakataon ay maospital ka pa,” mahinang wika ni Anyah. Madali naman siyang tumayo. “Alright. It will be just quick.” Hinalikan niya si Anyah sa noo bago tinungo ang closet ng kaniyang mga magulang. Pagpaso
Last Updated : 2026-08-26 Read more