-Daisy-Halata ang pagmamadali niya nang marinig na dumating ako, at higit sa lahat, kitang-kita ko ang pinaghalong takot at kaba sa kanyang mukha."Daisy, iha!” hindi ko alma kung imagination ko lang, pero rinig ko ang bahagyang nginig sa boses niya habang mabilis na lumalapit sa akin.Ngumiti ako. Isang ngiting walang bahid ng emosyon. "Hi, Mommy..." Iniabot ko sa kanya ang cake na dala ko. "Para po sa inyo."Sandali niyang tiningnan ang cake, at nang makita ang logo ng shop ni Rose, napangiti siya bago niya ito tinanggap."Oh... thank you." Pilit siyang ngumiti. "Pero may okasyon ba? At bakit biglaan ang pagdalaw mo? Hindi ka man lang tumawag para nakapaghanda sana ako. Ipapaluto ko pa naman sana ang mga paborito mong pagkain."Nakangiti siya, pero kitang-kita kong hindi umabot sa mga mata niya ang ngiting iyon. Isa lamang iyong maskara katulad ng suot kong ngiti sa mga sandaling iyon."Wala naman pong okasyon," malamig kong sagot habang diretso ang tingin sa kanya. "Gusto ko lang
Last Updated : 2026-08-07 Read more