-Daisy-“Ma’am Daisy, ang ganda-ganda mo naman!” unang komento ni Jeff, ang project coordinator namin. “Para kang artista!”“Alam mo, Ma’am Daisy,” sabat naman ng isa pa naming kasamahan, “mabuti na lang talaga at umalis ka na sa kumpanya. Ito na ang chance mong pumasok sa showbiz o sa modelling!” Tumawa siya bago idinugtong, “Promise, magiging number one fan mo kami!”Naghiyawan ang lahat. Napailing na lang ako habang natatawa.“Ang swerte naman ng asawa mo, Ma’am Daisy,” komento naman ni Marco. “Jackpot siya sa ’yo. Siguro kung ikaw ang asawa ko, maghapon na lang tayong nakakulong sa kuwarto at hindi na kita palalabasin pa. Mamaya maagaw ka pa ng iba sa akin.”Mas lalo silang nagtawanan. Napangiti na lang ako, kahit may kirot na biglang dumaan sa dibdib ko.Hay naku! Kung alam lang nila na matagal na akong ipinagpalit ng sarili kong asawa sa ibang babae.Hindi na ako nagsalita tungkol doon. Hindi nila kailangang malaman ang lahat.“Too bad,” sabi ko habang naupo sa bakanteng upuan s
Last Updated : 2026-08-13 Read more