-Daisy-Paglabas ko ng office ni Mr. Torres, halos ilang hakbang pa lang ang nagagawa ko nang makasalubong ko si Kier Mendoza, ang manager na in-charge sa Mirae Project.Agad ko siyang nakilala. Siya ang madalas kong kausap noon tungkol sa design ng Mirae noong nagtatrabaho pa ako sa Lawrence Group. Siya ang nagbibigay sa akin ng listahan ng mga kailangang baguhin sa proposal, mula sa layout, color scheme, floor plan, hanggang sa mga detalye kung paano niya gustong makita ang magiging resulta ng renovation.At kung magiging honest ako, hindi siya madaling katrabaho. Napakasungit niya, madaling mainis, at palaging nakasinghal kapag may hindi siya nagustuhan sa design. Ilang beses na rin kaming nagkaroon ng argumento dahil sa mga pagbabago niya sa project. Pero kahit ganoon siya, kailangan kong aminin na mahusay siya sa trabaho at alam niya kung ano ang gusto niya para sa Mirae.Pagkakita niya sa akin, agad siyang ngumiti at iniabot ang kamay niya. “Mrs. Lawrence, welcome to Mirae Group
Last Updated : 2026-08-17 Read more