-Vanessa-Pero wala akong pakialam sa kanila. Mahal na mahal ko si Ron, at iyon lang ang mahalaga sa akin noon.Nang ipakilala niya ako sa mga magulang niya bilang nobya niya, buong puso nila akong tinanggap. Hindi lamang iyon, sinabi pa nilang masaya silang malaman na ako ang babaeng pinili ng anak nila at ako rin ang gusto nilang mapangasawa nito balang-araw.Lalo akong umasa sa mga pangarap naming dalawa. Hanggang sa isang araw, nag-propose sa akin si Ron, pero hindi ko tinanggap ang alok niyang kasal."Bakit?" nagtatakang tanong niya. "May kulang pa ba sa akin? Kayang-kaya na kitang buhayin, Isay. Kung gusto mo, pag-aaralin din kita hanggang sa makatapos ka ng college. Tapos sabay nating imanage ang business namin. Magiging maalwan na ang buhay natin kapag kasal na tayo. Hindi mo ba ako mahal?"Hindi dahil hindi ko siya mahal, kundi dahil hindi ko pa kayang iwan ang pamilya ko noon. Pakiramdam ko kasi, ako lang ang inaasahan nila, kaya hindi ko kayang talikuran ang mga responsibil
Last Updated : 2026-10-19 Read more