Tatlong araw na ang lumipas mula nang mangyari ang kakila-kilabot na insidenteng iyon. Tatlong araw na rin mula nang pakiramdam ko ay tuluyang nagbago ang lahat.Mamatay-matay pa rin sa pamamaga ang mga mata ko, pero kahit papaano, nakakaya ko na itong imulat nang kaunti. Hindi pa rin tuluyang nawawala ang sakit sa buong katawan ko. Halos bawat galaw ko, may kirot pa rin. Kapag napapadampi ang kamay ko sa mga part na may pasa, hindi ko rin maiwasang mapangiwi. Punong-puno pa rin ng mga marka ang katawan ko.May mga pasa sa braso, sa balikat, sa tagiliran, at sa iba pang bahagi ng katawan na hindi ko na gustong tingnan nang matagal. Napaka-laki rin ng pasa ko sa likod dahil sa upuan na inihampas sa akin ng halimaw na ‘yon. Sa bawat bakas na nakikita ko, parang may parte sa akin na muling bumabalik sa gabing iyon.Oras at pahinga lang ang kailangan ng katawan ko para mawala ang mga sugat at pasa na meron ako. Pero ang pinakamahirap pagalingin… ay a
Last Updated : 2026-09-30 Read more