Tumayo siya at hinarap ako. “Tingnan mo nga ang buhay na meron ka ngayon, Ligaya. Maayos ang buhay mo. Nakatira ka sa mansion, nagbabakasyon ka sa mamahaling resort na ‘to, at may nagmamahal sa’yong mayaman na lalaki.” “Ma, tama na, please.”“Eh, ako? Anong meron ako?” Natigilan ako nang makita kong tumulo ang mga luha niya. Sinubukan niyang pigilan ‘yon pero wala na rin siyang nagawa. “No’ng namatay ang papa mo, naiwan akong mag-isa. Ako ang nagpalaki sa’yo at mag-isa kong ginawa ‘yon. Halos mamatay ako kaka-trabaho para lang hindi ka magutom.” Bahagya akong napa-iling. Gusto ko man siyang hayaan na maglabas ng sama ng loob pero pakiramdam ko ay sinusumbat na niya sa akin ‘yon. “Hindi ba’t responsibilidad mo ‘yon bilang nanay ko?” Hindi siya nakapagsalita. “Lumalayo ka sa usapan natin, Ma. Gusto mong iurong ko ang kaso laban sa taong binugbog at pinagsamantalahan ako. Anong klase kang ina? Bakit hindi mo gawin ulit ang responsibilidad ng isang ina?” Lumapit siya sa’kin at hina
Last Updated : 2026-10-04 Read more