“Anong kalokohan ’to?” iritadong bungad ni Chase sa’kin nang makalayo kami kay Aya at Mia.“Anong pinagsasabi mo?” Hindi ko maintindihan kung saan niya kinukuha ang sinasabi niya.“Bakit ganyan ang suot ni Aya?”“Ah, ’yon ang problema mo?” Napatingin siya sa akin, hindi makapaniwala. Na para bang napakalaking bagay na naka-uniform si Aya.“Naka-uniform siya dahil nagtatrabaho siya. Hindi siya pumunta rito para mamasyal. She’s here to do her job.”“Enzo, for God’s sake. Hindi mo naman siya pinagsusuot ng uniform sa bahay mo. Tapos ngayon, sa isang event na ganito kung saan halos lahat nakabihis nang maayos, ganyan ang ipapasuot mo sa kanya? Don’t you think that’s a little too much?”“Kailan pa naging nakakahiya ang pagtatrabaho, Chase?” “You’re not getting my point, Bro. Hindi ko kinukuwestiyon ang trabaho niya. Ang sinasabi ko, anong pumasok sa utak mo at biglang pinag-u-uniform mo na si Aya? Hindi ka naman ganyan dati. Look around, Enzo. Tingnan mo kung paano manamit ang lahat. Ha
최신 업데이트 : 2026-10-12 더 보기