Tahimik lang akong nakaupo sa loob ng selda, naghihintay ng update mula kay Chase. Hindi ko na alam kung ilang oras na ba akong nakakulong dito. Ang tanging gusto ko na lang ay makalabas agad. Sobrang baho sa lugar na ’to. I could barely stand it anymore. Gusto ko nang makaalis dito at makalanghap man lang ng sariwang hangin. “Mr. Enzo, laya na po kayo.” Agad akong napakunot ng noo sa narinig, pero ilang segundo lang ang lumipas ay napalitan din iyon ng isang ngiti. Hindi na ako nagtanong pa. I knew Chase wouldn’t let me down. Binuksan ng pulis ang rehas ng selda kung saan ako nakakulong. Pagkalabas ko, nakita ko agad si Chase na naghihintay sa akin. “You really are a great lawyer, huh?” Salubong ko sa kanya. “Hera dropped all the charges,” Seryoso niyang sagot sa akin. Nagdikit ang mga kilay ko, “What do you mean?” “I don’t know, man, pero something doesn’t feel right. First, biglang nagpakita si Aya,
Last Updated : 2026-10-28 Read more