Pinakinggan ni Enzo ang sinabi ni Mia, at biglang nagbago ang expression niya. Inayos niya ang suot niyang shirt bago tumingin sa akin. Hinintay kong may sabihin siya, pero wala siyang sinabi. Basta na lang siyang lumabas ng kwarto.Nagsuot ako ng shirt at tumingin kay Mia, na halatang hindi pa rin makapaniwala sa nangyari.“Paano siya nakarating dito, Mia?”“Grabe, Aya. Parang bangungot ang lahat. Bumangon ako kanina at pumunta sa kusina para painitin ang gatas ni Ethan nang biglang may mag-doorbell. Pagbukas ko ng pinto, muntik na akong atakihin sa gulat. Gulo-gulo ang buhok niya, marumi ang damit, at parang wala siyang dalang kahit ano. Kung ano lang ang suot niya, ’yon lang.”“Bakit? Anong nangyari sa kanya?”“Hindi ko rin alam, Aya. Umiiyak, tapos ang bungad niya sa akin, tawagin ko raw si Enzo.” “Umiiyak siya?”“Oo. Syempre, hindi ko siya pinapasok. Pero bigla niya akong nilagpasan at sinabi niyang aalis lang siya kapag si Sir Enzo mismo ang nag-ut
Last Updated : 2026-10-18 Read more