Pagdating namin sa ospital, agad kinuha ni Enzo ang mga dokumento ko para siya na ang sumagot sa patient intake form habang ako naman ay dinala sa examination room.Hindi ko na mabilang kung ilang test ang ginawa sa akin.May kumuha ng dugo ko, may physical assessment, may mga tanong tungkol sa kinakain ko, kung gaano ako kadalas kumain, kung kailan ako huling nagkaroon ng maayos na tulog. Paulit-ulit lang ang mga iyon.Pagkatapos ng lahat ng pagsusuri, inilipat ako sa isang private room kung saan ako magpapalipas ng gabi. Kailangan daw akong bantayan at salangan ng mga vitamins sa IV.Pagpasok ko sa kwarto, agad kong nakita si Enzo.Nasa armchair siya sa gilid ng kama, nakayuko at abala sa cellphone niya. Mukhang wala siyang ibang gustong gawin kundi manatili sa sarili niyang mundo.Nang mapansin niya ako, agad niyang itinabi ang cellphone at tumayo."How are you?" "Maayos naman." Umupo ako sa kama. "Baka may mga kailangan ka pang asikasuhin, pwede
최신 업데이트 : 2026-09-07 더 보기