Umalis si Mia noong friday ng gabi kasama si Chase, mag-w-weekend daw sila sa dagat. Nako.Kung alam lang nila, mamatay-matay rin ako sa inggit dahil gustong-gusto ko ring makakita ng dagat.Si Mama nga, nakatatlong bakasyon na sila nina Tito Peter at Tala, pero ni minsan hindi nila ako isinama. Ayaw na ayaw kasi ni Mama na hahapit ang damit ko sa aking katawan. Syempre ‘pag naglangoy ka’t umahon ka, yayakap ang tela sa katawan mo—ayaw niya no’n. Kahit nga balot na balot ako o kapag formal ang suot ko, galit na galit pa rin siya sa akin. Hindi ko na talaga alam kung saan ako lulugar. Kahit simpleng kasiyahan sa buhay, pinagdamot sa akin ni Mama. Nang lumamig na 'yung binake kong cake, pinalibutan ko ito ng frosting na ginawa ko kanina. Inilagay ko ang maliit na kandila at ang cake topper sa ibabaw, tsaka ko ito itinabi muna sa refrigerator. Pagkatapos noon, mabilis akong umakyat sa taas para padedehin ang aking little billionaire at bihisan siya.Iniwan ko muna 'yung cellphone ko n
Última actualización : 2026-08-24 Leer más