“Kung pababayaan at hindi niya aalagaan ang sarili niya, yes. Pwede itong lumala,” sagot niya. “Especially if your nutritional deficiencies and anemia remain untreated. Maaari kang makaranas ng mas matinding panghihina, pagkahilo, at iba pang complications.”Napatango ako.“Pero nandito ka na sa ospital, kaya tutulungan ka namin,” dagdag niya, bahagyang lumambot ang tono. Kinuha niya ang isang papel mula sa chart. “Magkakaroon ka ng diet plan na gagawin with the guidance of our nutritionist. Hindi natin kailangang biglain ang pagdagdag ng timbang. Unti-unti nating ibabalik ang nutrients na kailangan ng katawan mo.”Tumango ako.“We’ll also monitor your food intake while you’re here, and we’ll give you the appropriate vitamins and supplements to help address your deficiencies and anemia.”Napatingin ako sa papel na hawak niya.“Hanggang kailan po ako kailangang manatili rito?”“Kailangan bantayan ang kalagayan mo for the rest of the day,” sagot niya. “We’l
Huling Na-update : 2026-09-07 Magbasa pa