Pagdating ng convoy sa likurang pasilyo ng eksklusibong auction hall sa Baguio, agad na nabalot ng tensyon ang buong paligid. Ang gusali ay lumang istruktura na ginawang modernong gallery, may matataas na kisame, mga nakasinding kulay-dilaw na ilaw, at naglalakihang mga painting sa bawat dingding. Sa paligid, nakatayo ang mga taong nakasuot ng mamahaling barong at gown, hawak ang kanilang mga baso ng alak habang nag-uusap-usap.Agad na pinalibutan ng mga tauhan ni Zuko ang paligid ng sasakyan. Pagkabukas ng pinto, inilabas ni Zuko si Iya habang nakahawak nang mahigpit sa baywang ng babae. Ramdam ni Iya ang bawat titig ng mga bisita, pero mas ramdam niya ang bigat ng braso ni Zuko na tila ayaw siyang pakawalan.“Ingatan mo ang bawat hakbang mo, mia cara,” bulong ni Zuko habang dahan-dahan silang pumasok sa main hall. “Maraming mata ang nakatingin sa atin ngayon.”Pilit na ngumiti si Iya habang patingin-tingin sa paligid. Bawat pintuan, bawat sulok ng silid, at maging ang mga nakatagong
Last Updated : 2026-09-08 Read more