Mabilis magpatakbo si Drew habang nakatutok ang tingin sa kalsada, ngunit sa bawat pagkakataong humihinto sila sa stoplight, napapasulyap siya kay Iya sa passenger seat. Nakatanaw lang ang dalaga sa labas ng bintana, tahimik na pinipisil ang strap ng kaniyang bag habang halatang balisa at nag-aalala para sa mga bata.Nang makarating sila sa rest house, hindi na nag-aksaya ng oras si Drew. Pinagbuksan niya ang pinto si Iya at mabilis silang dumaan sa sala patungo sa ikalawang palapag."Nandito sila sa kabilang kuwarto," pabulong na sabi ni Drew habang binubuksan ang pinto.Sinalubong sila ni Aling Beth na may bitbit na palanggana ng malamig na tubig. Nang makita ng kasambahay si Iya, napabuntong-hininga ito sa matinding ginhawa. "Naku, salamat at nakabalik na kayo, Sir!”Agad na lumapit si Iya sa malaking kama kung saan magkatabing nakahiga sina Blake at Drake. Nanlamig ang kaniyang puso nang makita ang kani-kaniyang namumulang pisngi, ang tuyong mga labi, at ang panginginig ng kanilan
Last Updated : 2026-09-24 Read more