Kinaumagahan, maagang nag-aayos si Drew sa kaniyang silid. Habang isinusuot ang kaniyang wristwatch at iniaayos ang kuwelyo ng kaniyang polo, halatang may kaunting pagod sa kaniyang mukha. Bukod sa mga problema sa kumpanya, hindi mawawala sa kaniyang isip ang nalalapit na biyahe papuntang Baguio at ang kalagayan ni Iya.Bitbit ang kaniyang coat at briefcase, dahan-dahang bumaba sa hagdan si Drew. Pagkarating niya sa salas, natigilan siya nang makita ang kaniyang lola, si Ahma, na nakaupo na agad sa sofa, may hawak na mainit na tasa ng tsaa at nakatitig sa portrait ng pamilya na nakasabit sa dingding.“Ahma?” gulat na bati ni Drew habang mabilis na lumalapit. “Bakit napakaaga niyo po? Sana nagpasabi kayo para naisundo ko kayo sa bahay.”Dahan-dahang ibinaba ni Ahma ang tasa sa mesa at pilit na ngumiti sa kaniyang apo. Sa kabila ng kaniyang edad, nananatiling maayos at elegante ang kaniyang porma, ngunit hindi maitatago ang kaunting lungkot sa kaniyang mga mata.“Naku, Drew, alam ko nam
Last Updated : 2026-08-10 Read more