Habang pinagmamasdan ni Iya ang kambal na nagpupunas ng labi gamit ang tissue, napatingin siya sa oras sa kaniyang cellphone. Alas-nuwebe na halos ng gabi. Nagsisimula nang lumalamig nang husto ang hangin sa labas at alam niyang kapag nagtagal pa sila roon, mas lalong lalaki ang problema.Inilagay ni Iya ang kaniyang dalawang kamay sa ibabaw ng mesa at seryosong tinitigan ang dalawang bata."Blake, Drake, makinig kayo sa akin," seryoso ngunit malambot na panimula ni Iya. "Dahil ayaw niyo ibigay ang number ng Papa niyo at hindi niyo rin maipaliwanag kung saan eksakto ang house niyo, dadalhin ko kayo sa pinakamalapit na police station."Biglang naibalik ng dalawa ang kanilang mga baso sa mesa at nanlaki ang mga mata sa gulat."Ayaw po namin sa pulis, Ate Iya!" mabilis na pagtutol ni Blake habang kumakapit muli sa braso ng dalaga. "Baka po ikulong nila kami! O kaya baka galitan kami ni Daddy kapag nalaman niyang nandito kami!""Oo nga po, Ate," dagdag ni Drake, nanginginig ang boses haba
Last Updated : 2026-09-14 Read more