“Gusto kong ipaalam na... madadagdagan ang pamilya natin,” mabilis na sabi ni Yvee nang hindi na niya kinaya ang pagtitig sa kaniya ng lahat.Bahagyang natigilan ang buong salas bago mabilis na nag-react ang mga bata.Kumunot agad ang noo ng siyam na taong gulang na si Drake at inayos ang kaniyang salamin. “Madadagdagan? Scientifically speaking, kung bibili tayo ng pet, I hope it’s a Golden Retriever or a cat. Mas madaling i-train ang domestic animals at mababa ang maintenance cost kumpara sa ibang species.”“Ano ka ba, Drake, boring 'yan!” mabilis na hirit ni Blake, sabay tayo mula sa sofa. “Daddy, baka naman lion 'yan? p'wede ba tayong mag-adopt ng baby lion? Magiging sobrang cool 'yon kapag dinala natin sa school para sa show-and-tell!”Natawa nang malakas si Atlas mula sa kaniyang armchair at umiling sa dalawang bata. “Baby lion talaga, Blake? Malabo 'yon. Ma, kung mag-a-adopt kayo ng pet, mas gusto ko 'yong camel! p'wedeng sakyan kapag traffic, saka matagal bago mauhaw.”“Lalong
Last Updated : 2026-09-12 Read more