“Yanny pala, ha. Yari ka ngayon sa'kin!”Nagkukumahog akong lumapit sa kanya. Siya nama'y napamaang na lang nang pantayan ko ang pagkakaupo niya sa sahig."Ang ingay ingay ng messenger mo. Akala mo ba hindi ko naririnig ‘yun? Hindi ako tulog, Renzo!" asik ko, hindi ko alam kung bakit nadoble ang inis ko ngayon.I mean, ano bang pinagpuputok ng butsi ko? Hindi ko rin maintindihan!"Calm down, madame…" aniyaHinawakan niya ako sa magkabilang balikat ngunit mabilis ko itong hinawi. Mayamaya ay umiling iling na naman sya, katulad kanina na nagpipigil ng tawa. Ako nama'y natriple na ang galit ko. Kulang na lang ay umusok na ang ilong ko."Kung iniisip mong may babae ako, wala akong ganoon," aniya sa kalmadong boses. Umayos siya ng upo at dinampot ang binato ko sa kanyang cellphone sa may kama.Nakatingin lang ako sa kanya nang pailawin niya ang screen nito. Agad akong napasinghap nang dalhin niya iyon sa messenger, saka nilahad sa harap ko."Yes, babae si Yanny. We were chatting kasi nagpa
Last Updated : 2026-09-09 Read more