Kinwento ko sa kaniya kung paano nag-cross ang landas namin ng kupal na 'yon habang nakaupo kami. Puro tili, sigaw at hampas lang din ang nakuha ko sa kaniya. Hinayaan ko siyang tapusin ang isang libro bago namin mapagdesisyunang umuwi. Magkatabi kaming nakaupo sa second seat ng sasakyan nila. Ihahatid ako pabalik sa school dahil doon naghihintay ang sundo ko."Anong plano mo sa acquiantance natin? Next week na 'yon," tanong niya habang nasa loob kami ng kanilang sasakyan."Si Mommy na ang bahala do'n. This time, baka hindi na pumayag 'pag tanggihan ko siya." "Mabuti naman kung gano'n," nilingon niya ako saglit "What about your date? Si King or si Prince?" taas-baba ang kilay niya habang nakangiti nang nakakaloko."Hindi ko na alam ang gagawin ko sa 'yo, Alyzza." Iling ko sa kawalan ng pag-asa sa kaniya.Rinig na rinig sa loob ng kotse ang halakhak niya. Kanina pa niya sinisingit sa usapan si Daniel. Kung bakit ko pa kasi kinuwento, eh. "Seryoso na," sambit niya. "Why not invite J
Última actualización : 2026-09-19 Leer más