12:30 nang natapos kami. Bumaba kami sa sala para makapagpaalam kina mommy kaso sabi ni Yaya, maaga daw silang umalis para sa business trip. Anyway, what's new? "Senyorita, nand'yan na ho ‘yung sundo niyo sa labas. Papapasukin ko na po ba?" tanong ni Yaya. "Hindi na. Kami na lang lalabas," ngiti ko sa kaniya. Sabay kaming lumabas ni Alyzza. Uuwi na rin daw naman siya dahil kanina pa daw siya kinukulit sa text ng daddy niya. Natanaw ko sa labas ng gate ang isang sasakyan na nakaparada, malapit sa aming gate. Bumaling ako sa gilid nito't nakita kong nakasandal doon si Jack.He wasn’t wearing his legendary mask, but he had on his maroon suit and, of course, his blue hair. Makalaglag panga talaga.Kumaway siya nang nakita kaming papalabas sa binubuksang gate ng guard namin.“Wow! I always thought he was rich, but having a car at such a young age?” namamanghang iling ni Alyzza. "Blue Porsche Taycan Turbo, huh? WOW!" tili pa niya. "And wait!" pahabol niya saka siya nagmadaling tumakbo
Última actualización : 2026-09-18 Leer más