Napasimangot na lang ako nang matanaw ko ang school. Sa loob ng isang buwan kasi, laging si Alyzza lang ang kasama ko. Hindi naman sa ayaw ko sa kaniya. Gustong-gusto ko nga, eh. In fact, mas lalo pa kaming napalapit sa isa't isa. Kaso, isang buwan na simula ng hindi na pumasok sina Daniel. Hindi naman sa namimiss ko sila, nasanay lang talaga ako na lagi ko silang kasama. Lalo na yung pinakamasungit sa kanila. Si Daniel. Ayaw ko man aminin sa sarili ko, pero nakakamiss rin ang kasungitan niya, at the same time nakakainis. Nakakainis dahil hanggang ngayon, hindi ko pa rin maintindihan ang sarili ko kung bakit ko siya sinagot ng ganoon kadali. Hindi ko alam.Mabilis akong nilapitan ni Alyzza pagkababa ko pa lang sa kotse namin. The normal things we do. Hihintayin niya ako dito sa parking lot kapag siya ang maunang dumating. Ganoon din ako kapag minsan ako ang naunang dumating. "Wala ng balita sa boyfriend mo?" "Psh." Inikutan ko siya ng mata saka nilagpasan. Ito ang ayaw ko sa kani
Huling Na-update : 2026-09-22 Magbasa pa