Baby Mikaela's Point of ViewBusy lahat ng estudyante, pwera lang kami ni Alyzza. Bukas na kasi magsisimula ang intramurals week. Tudo practice na ang lahat sa mga sinalihang games, lalo na ang mga player ng ball games. Tamad na tamad kaming nakaupo ni Alyzza sa isang bench, kaharap lang ng room namin. Pinapanood namin ang nag-eensayong mga estudyante. If I'm not mistaken, grupo ng cheer dance ang nasa harap namin ngayon. "Next school year, sali na tayo sa mga clubs." Ani Alyzza sa tabi ko.Nilingon ko siya saka tinanguhan. Kahit alam ko sa sarili ko na wala akong katalent-talent, susubukan ko pa rin sumali. Pampawala na rin siguro ng pagkabagot. "Ano nga pala sinalihan ng lima?" Tukoy ko sa limang lalaki. Yung mga 'yon kasi, 'di ugaling magpaalam. Basta-basta na lang nawawala. "Hindi ko pa alam. Siguro sa basketball, or it might be in modern dance." "Ahh..Nice." Iyon na lang ang tanging nasabi ko. Hindi naman kasi nakakabigla. Sa height ba naman ng isa sa kanila, panigurado na
Huling Na-update : 2026-09-23 Magbasa pa