Nang gabing iyon, masaya kaming naghapunan na tatlo. Tawanan lang ang tanging naririnig sa hapag. Nakipag-usap din kami sa kuya ko via video call. Itinanong ko na rin lahat ng mga katanungan ko na matagal ko ng kinikimkim. Iyon bang, kung bakit lagi silang wala? Anong pinagkakaabalahan nila? Lahat naman nila sinagot 'yon. Ipinaliwanag pa nila isa-isa. Actually, nararamdaman ko ang saya sa boses nila habang sinasagot nila ako. Siguro, ngayon lang kasi nila narinig na magkainteresado ako sa buhay nila. At sobrang nagpapasalamat ako na ito na ang magandang simula namin... bilang pamilya. Masigla akong pumasok sa school kinabukasan. Bukod kasi sa magandang nangyari kagabi, eh, ngayon na ang simula ng intramural weeks. Walang masyadong bago sa campus pwera lang sa bagong disenyo ng stage namin at yung masasayang nagkukumpulan na estudyante. Halata ang excitement sa mukha ng isa't isa. Maging ako naman ay gano'n din. Kahit wala akong sinalihan, ayos lang 'yon saakin. Nakaka-good vib
Last Updated : 2026-09-23 Read more