Hindi ko alam ang sumunod na nangyari matapos ang gabing ’yun. Basta, ang alam ko lang ay nagising ako na nasa loob na ako ng isang estrangherong silid, sa isang bansang hindi ko alam ang wika… kasama si Gino. Dalawang taon na ang nakalipas. Dalawang taon na rin akong nabubuhay bilang asawa ni Gino. Dinala niya ako sa isang liblib na villa sa Tuscany, Italy, kung saan ang lahat ng bakas ng nakaraan ko sa Pilipinas ay mabilis niyang binura gamit ang kaniyang impluwensya at pera. Sa loob ng dalawang taong iyon, natutunan kong isuot ang maskara ng isang masunuring asawa. Natutunan kong ngumiti sa tuwing hinahalikan niya ako sa harap ng mga katulong, at natutunan kong tumugon sa mga haplos niya sa gabi para hindi na niya ako muling gamitan ng dahas. "Good morning, baby," bulong ni Gino habang yumayakap sa akin mula sa likuran. Katatapos ko lang magluto ng almusal. Isang masuyong halik ang iginawad niya sa balikat ko, ang dating balat na noon ay puno ng pasa, ngayon ay makinis na muli,
Last Updated : 2026-09-27 Read more