HELIOS' POVMalakas ang ulan sa labas ng Stravezki Rooftop Bar. Sa loob ng VIP room, halos hindi ko marinig ang patak ng ulan dahil sa makapal na glass walls, pero kitang-kita ko ang bagsik ng panahon. Ang mga ilaw ng lungsod ay nagmistulang maliliit na bituin sa ilalim ng madilim na kalangitan. Nasa isang sulok ako, tahimik na umiinom habang nakatitig sa ulan.I didn't care about the weather..I didn't care about anything tonight. Nasa paligid ko ang Elite Seven - sina Maximus, Caelus, Sage, Felip, Rowan, at Rafael. Madalas kaming kumpletong magkakasama, at gaya ng dati, maingay ang mga ito sa kakwentuhan at biruan.Hindi ako nakisali ngayon, wala ako sa mood. Sumimsim ako ng whiskey at muling ibinaling ang tingin sa ulan.“Hey, Helios. How's married life?” tanong ni Rafael.Saglit akong tumingin sa kanya bago muling ibinaba ang tingin sa hawak kong baso.“It's fine.” Maikling sagot ko.Wala akong interes na pag-usapan ang tungkol sa kasal ko, lalo na si Olivia.Maximus leaned back on
Last Updated : 2026-08-23 Read more