OLIVIA'S POVKinagabihan, bahagya nang gumaan ang pakiramdam ko matapos akong makapagpalit ng tuyong damit at makapagpahinga nang ilang oras.Pagkatapos ng nangyari sa lake, ipinilit ni Abuela na magpahinga ako sa kuwarto. Hindi rin ako pinayagan ni Helios na lumabas agad, kahit ilang beses kong sabihin na maayos na ang pakiramdam ko.Of course, hindi ko alam kung bakit siya ganoon ka-strict.Baka dahil naroon ang grandparents niya. Baka gusto lang niyang ipagpatuloy ang pagpapanggap na concerned husband siya.Napabuntong hininga ako, hindi ko na dapat isipin ang bagay na iyon.Dahan-dahan akong bumangon mula sa kama at inayos ang buhok ko. Tahimik ang buong silid.Napatingin ako sa kabilang bahagi ng kama.Wala si Helios.Akala ko noong una ay nasa banyo lamang siya, pero nang tumagal ang ilang minuto at hindi pa rin siya lumalabas, nagsimula akong magtaka.Pagkatapos ng nangyari sa lake, magkasama kaming bumalik sa cottage. Naalala ko pa kung paano niya ako binuhat hanggang sa kuwar
Last Updated : 2026-09-09 Read more