OLIVIA'S POV Hindi ko namalayan kung kailan naging bahagi ng routine ko ang paggising bago pa sumikat ang araw. Dati, gigising ako dahil may casting, photoshoot, o meeting. Ngayon, ang alarm ko ay para sa baking. Alas-singko pa lang ng umaga, nasa kitchen na ako, nakasuot ng apron at nakatali ang buhok. Kumpleto na ang mga pangunahing kong sangkap, harina. butter. itlog, tsokolate. Tahimik ang buong mansion, and I never thought I'd enjoy this much. Noong una, kakaunti lang ang orders ko. Isa o dalawang box sa isang araw. Pero habang lumilipas ang mga araw, dumami nang dumami ang messages, karamihan ay mga kakilala ko pero marami din ang mga estranghero. Minsan, may mga comments pa akong nakikita. Isn't this Olivia Fajardo-De Dios? I tried her pastries. They're really good. Can I order for tomorrow? Every time I read them, napapangiti ako. Hindi dahil sikat ang pangalan ko kundi dahil may mga taong gusto ang ginawa ko. Kaya kahit pagod, hindi ako nagrereklamo. Ako
Last Updated : 2026-08-27 Read more