Maingat na inihiga ni Serena ang natutulog na si Eli sa gitna ng malaking kama. Pinalibutan niya ito ng mga unan at kinumutan hanggang sa dibdib. Tahimik at payapa ang mukha ng bata, tila ba nasa isang normal na bakasyon lamang sila at hindi nagtatago mula sa panganib.Habang hinahaplos niya ang buhok ng anak, naramdaman niya ang presensya ni Kael sa likuran niya. Nakasandal ang binata sa hamba ng pinto, tahimik na pinagmamasdan silang mag-ina. Kahit madilim ang ilaw sa kwarto ng safehouse, kitang-kita ni Serena ang emosyon sa mga mata nito, pangungulila, pagmamahal, at matinding pagsisisi."He looks exactly like you," mahinang basag ni Serena sa katahimikan, hindi inaalis ang tingin sa anak. "Nang ipanganak ko siya... noong unang beses kong makita ang mga mata niya, alam ko na agad na hinding-hindi kita makakalimutan. Dahil sa tuwing titingin ako sa kaniya, ikaw ang nakikita ko."Narinig niya ang mabibigat na yabag ni Kael palapit. Umupo ito sa kabilang gilid ng kama. Dahan-dahang in
Last Updated : 2026-09-03 Read more