Tatlong taon na ang lumipas mula nang magpalitan sila ng panata sa mismong dalampasigan ng Isla Verde. Ngunit para kay Serena, pakiramdam niya ay araw-araw pa rin siyang nililigawan ng asawa niya.Nakatayo si Serena sa balkonahe ng kanilang mansyon, haplos-haplos ang kaniyang malaking tiyan. Walong buwan na siyang buntis sa pangalawa nilang anak, isang baby girl na matagal nang hinihiling ni Kael. Mula sa itaas, pinapanood niya ang dalawang pinakamahalagang lalaki sa buhay niya.Tumatawa nang malakas si Eli habang tinuturuan ito ni Kael na magpalipad ng saranggola sa buhanginan. Mas matangkad na ngayon ang walong taong gulang na si Eli, at mas lalong naging kamukha ng kaniyang ama."I told you not to stand too long, Mrs. Villafuerte."Naramdaman niya ang pamilyar at maiinit na braso na pumulupot sa kaniyang baywang. Hinalikan ni Kael ang kaniyang balikat. Napangiti si Serena at sumandal sa matipunong dibdib ng asawa niya."Pinapanood ko lang kayo ni Eli," malambing na sagot ni Serena.
Last Updated : 2026-09-06 Read more