Nang huminto ang SUV sa tapat ng isa pang tagong safehouse, mabilis na nagmulat ng mga mata si Serena. Nakasandal pa rin siya sa matipunong dibdib ni Kael, ramdam ang mabilis at kalmadong pagtibok ng puso nito.Bago pa man siya makakilos, maagap na bumaba si Kael at umikot para pagbuksan siya ng pinto. Akmang tatayo si Serena nang muli siyang buhatin ng binata."Kael, kaya ko namang maglakad," mahinang reklamo niya, bagaman napakapit siya sa batok nito."I know," malambing na sagot ni Kael, hinalikan ang tuktok ng ulo niya. "Pero hindi ko na isusugal na mapalayo ka pa sa akin kahit isang dangkal. Let me carry you, baby."Hindi na nakipagtalo si Serena. Ipinatong niya ang kaniyang ulo sa balikat nito habang naglalakad sila papasok sa loob ng bahay. Pagkabukas na pagkabukas ng pinto, isang maliit na boses agad ang umalingawngaw sa buong sala."Mommy!"Napalingon si Serena at nakita niya si Eli na patakbong lumalapit sa kanila. Agad siyang ibinaba ni Kael. Lumuhod si Serena, walang pakia
Última actualización : 2026-09-05 Leer más