Share

Kabanata 0005

Penulis: Luzzy0317
last update Tanggal publikasi: 2026-08-11 10:24:32

One week later..

Abala ang Ebeauty Cosmetics Company para sa darating nilang company outing. Hindi alam ni Eula kung makakapunta siya dahil abala siya sa paghahanap ng hustisya para sa kanyang kaibigan. Sinabihan na siya ng kaibigan niya kaso parang hindi kaya ng scheduled niya kaya naman sinabi niyang hindi siya pwede. Wala naman magagawa ang kanyang kaibigang si Rheena.

Pero umasa pa rin naman ito na makakahabol siya kahit last day.

Natuloy ang company outing. Tahimik si Luiz at palinga linga sa paligid. Alam niya CEO si Eula ng EBeauty Cosmetics kaya posibleng dumating ito. Napansin naman ni Rubi ang palinga linga ng kanyang bestfriend at tila may hinahanap na ewan.

"Huy! Kanina pa malayo ang tingin mo dyan best. Sinong hinahanap mo? Ako lang naman ang kaibigan mo rito." ani ni Rubi sabay gulo ng buhok niya. Nakasanayan na rin kasi talaga nito na guluhin ang kanyang buhok.

"Ano ba! Panira ng moment dyan. Wala akong tinitingnan. Gusto ko lang magpakasaya. Alam mo naman buong buhay ko sa lola Mildred ko inalay. Hindi na nga ako nanligaw at nagka girlfriend e, kaya hayaan mo muna ako." ani ni Luiz.

"Huyy! Chill, ang drama mo naman dyan para binibiro ka lang e, sige na hindi kita guguluhin pa." wika nito.

"Salamat." sagot ni Luiz.

At maya maya lang rin tinawag na sila ni Miss Rheena ito ang nagcater ng company outing. May mga pa games rin, kainan at kantahan. Five days sila mag stay dito kaya naman may kanya kanya silang tent. Solo solo sila kung ayaw nilang may kasama sa isang tent.

Pero kung gusto may kasama ay pwede naman.

Wala muna silang games dahil biglang umulan ng malakas ng araw na iyon kaya naman lahat sila ay nagpuntahan sa kani kanilang tent.

Malamig ang gabi at hindi nila alam kung titigil ba ang ulan dahil kung magpatuloy pa ito mas lalo silang mahihirapan. Marami pa silang gagawin na team building pero kung magpapatuloy ang ulan mahirap.

Buong magdamag umulan kaya hindi na rin nakasunod si Eula. Alam naman niya na mahirap ang lugar na pinuntahan ng mga tauhan niya. Kaya naman hindi na siya nagpunta pa.

Kinabukasan maagang gumising si Luiz at sanay talaga siya. Tulog pa ang kasamahan niya sa tent. Samantalang si Eula naman ay on the way na rin sa lugar na iyon. Naisip niya kasi na baka unwind ang kailangan niya para makapag relax ng kaunti. Lalo na't inis na inis pa rin talaga siya sa nangyari. Ang mga kaibiga niya ay niyaya siya na sumunod talaga. Hindi niya sinabi kay Rheena na papunta na siya at balak niyang surpresahin ito.

Abala ang lahat pagsapit ng alas singko ng umaga. At meron nga silang team building para mamaya.

Pinakain muna sila at nagpa zumba muna bago sumabak sa isang team building. Hindi sumali si Luiz sa Zumba dahil lalaki naman siya kaya hinayaan niya na lang ang iba na mag enjoy roon. Hinanda niya ang kanyang mga gamit at inayos at baka umulan na naman kasi at mabasa pa ito. Batid niya na dapat nakikisalamuha siya sa mga kasama pero hindi talaga niya magawa lalo na't bago pa lang siya. Ayaw niyang mamisinterpret ng iba ang kanyang pakikihalubilo.

Lumipas ang alas otso ng umaga. Kanya kanya nang pila sa labas at doon na rin siya lumabas para sumama. Maraming tao roon at di niya mahagilap ang kanyang bestfriend na si Rubi.

Unang game nila ay find the treasure hunt. Pinaliwanag ang mechanics. Lahat sila ay pinagparte parte sa limang grupo. Hindi lahat makakasali dahil marami sila at sa ibang game na lang. Pati siya ay hindi nakasama kaya naiwan siya sa upuan.

Pag alis ng mga kawork niya tumulong na lang siya sa pagluluto ng kanilang lunch. Nakita niya ang hito sa loob ng aquarium kaya iyon na lang ang naisipan niyang iihaw. Napansin siya ni Rheena at lumapit ito sa kanya.

"Hello! Bago ka lang ba sa kumpanya?" tanong nito kaya lumingon siya.

"Opo, ma'am Rheena." sagot naman ni Luiz sabay balik ng kanyang paningin sa pagpapabaga ng apoy gamit ang kahoy.

"Wow! Kilala mo pala ako pero hindi kita kilala. Anyway anong pangalan mo?" tanong nito ulit.

Sa pagkakataong iyon tumayo siya sabay ngiti. Nagpagpag siya ng kamay dahil mauling na. "Hayaan niyo ho akong magpakilala sainyo ma'am Rheena. Ako nga pala si Luiz Cristobal. Nasa IT department ho ako ma'am Rheena. Kilala ko po kayo dahil pinakilala kayo sa aking ng bestfriend ko." ani ni Luiz nang may buong paggalang.

"Ok! Luiz, masyado namang formal. Rheena na lang kung tayo tayo lang. Pakiramdam ko tinamaan ako ay este tumatanda ako." biro ni Rheena.

"Ok, ma'am ay este Rheena." ginaya rin ni Luiz ang pagpapakilala nito.

Maya maya lang natigilan sila sa pag-uusal ng may bumusina. Napalingon si Rheena at napangiti at iniwan si Luiz. Hindi naman na pinansin ni Luiz ang bisitang dumating dahil hindi naman niya kilala ito.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • When 'I Love You' Wasn't Enough    Kabanata 00016

    Hindi niya na madedeny ito dahil may video si Rheena. Ang tangi niya na lang gawin ay akuin ito. "Oo sinabi ko yan pero lasing ako nyan. Baka iba naiisip ko ng mga oras na yan." sagot niya hindi niya alam kung bebenta pa sa kaibigan niya. Pero nahihiya pa rin talaga siya sa katabilan ng kanyang dila. Hindi na talaga siya mag iinom ng marami. "Alam mo Eula hindi naman ako nakikialam sa buhay mo. Ang sa akin lang pag-iingat sa mga sinasabi mo. What if may ibang nakarinig at nalaman ng tauhan ni Ramon. Paano na ang mga kasong sinampa mo dito. Mapapawalang bisa lang lahat dahil pwede ka niyang baliktarin na nagcheat ka rin." wika nito. "Alam ko naman iyon Rheena at hindi ko yan nakakalimutan." mariing sagot ni Eula. Naiintindihan naman niya ang gusto nitong sabihin at alam niya rin na sa lahat si Rheena ang pinaka trusted niyang tao. "Goods! Basta mag-iingat palagi. Hindi ako magsasawang ipaalala sayo ang lahat ng kailangan mong alalahanin. Hindi madali ang laban mo kaya dapat

  • When 'I Love You' Wasn't Enough    Kabanata 00015

    Habang binabalikan ni Eula ang nakaraan. Kasama na rito ng minsan sinabi niya kay Ramon na kanyang asawa na gusto niyang magtayo ng cosmetics business. Nasa sala silang dalawa. Nakaupo ito habang siya ibinaba ang tinimplang kape para rito. She was a plain housewife, dahil ayaw nitong magtrabaho siya. Ayaw nitong naglalabas siya ng bahay o makipagkita sa mga kaibigan nito ay lahat bawal. Para na siyang preso sa isang kulungan. Hindi niya akalain na masasaktan siya sa sasabihin nito sa kanya. "Sweetheart, gusto ko sanang magsimulang magtayo ng negosyo--" natigilan siya ng makarinig siya ng tawa na pagak na sa tono ng boses nito ay nang iinsulto. "Business, ikaw? Anong alam mo? Hindi ba' pinagkasundo ka lang naman sa akin ng pamilya mo. Ni hindi ka nga yata nakatapos ng College. Nagpapatawa ka ba talaga. Hahahaha." wika ng kanyang asawa na talagang pinamumukha sa kanya na wala siyang say sa bahay nila. "Hindi ba't pwedeng mangarap naman ako? Hindi ba't pwedeng tumulong man lan

  • When 'I Love You' Wasn't Enough    Kabanata 00014

    Nasa bar sina Rheena at Eula. Doon na sila napadpad na magkaibigan. Naka isang tower na sila na nauubos. Gusto pa nga ni Eula na uminom kaso inawat na siya ni Rheena. Magda drive pa kasi ito. "Hoy! Eula awat na lasing ka na dyan." saway ni Rheena. "Sinong lasing. Akin na yang baso ko. Hindi pa ako lashing. Hikhik! Baka ikaw dyan." sagot ni Eula na sinisinok na. Hindi nga halatang lasing siya sa mga pinag gagawa niya. "Pahiram ng cellphone mo. At may tatawagan ako, wala akong tiwala sayo na makakapag drive ka pa." ani ni Rheena. "Ok." Nilagok naman ni Eula ang hawak ng baso na may lamang beer na inagaw niya kanina kay Rheena. Ngayon lang siya nakainom ng malaya. Sa buong pagsasama nila ni Ramon never siyang pumarty. Pakiramdam niya ngayon ay malayang malaya na siya. Hindi niya binaba ang baso hangga't hindi nauubos ang laman nito. Nagsalin pa nga siya ulit sa tower para ganahan pa siya sa gabing iyon. Wala siyang kamalay malay na tinawagan pala ni Rheena si Luiz. Alam

  • When 'I Love You' Wasn't Enough    Kabanata 00013

    "Walang aalis. Nag-usap na tayo hindi ba. You may stay here as my regular employee pero hindi mo rin pwedeng tanggihan ang offer ko." ani ni Eula. Nagulat at nanlaki ang mga mata ni Rubi. Miski ang ibang tao roon na lumapit pa para makiusyoso. Hindi nila akalain na pupunta ang kanilang boss sa department nila. Once lang nga ata nila nakita ito na nagawi at ngayon lang. Nahiwagaan tuloy sila kung bakit. "Luiz, hindi ba sinabi ko naman sayo na from now on magwowork ka sa akin. Kaya nga gusto kitang alisin dito dahil hindi mo na dapat gawin ang trabaho mo rito." dagdag pa ni Eula. Mas lalo yatang naintriga ang mga tao roon. Tahimik naman si Luiz. Kanina lang iniisip niya na mawawalan siya ng trabaho. Ngayon naman nasagot agad ang kanyang dasal. "Maraming salamat po ma'am Eula. Akala ko talaga wala na akong trabaho." ani nito. "Sige na. Go back to work. Ikaw, Luiz follow me." mariing utos ni Eula sa lahat maging kay Luiz. Kanya kanya naman nagpulusan ang lahat at si Luiz na

  • When 'I Love You' Wasn't Enough    Kabanata 00012

    Habang nasa loob ng opisina si Eula. Pinasok siya ni Rheena na ikinagulat niya. "Euala, mag-usap nga tayo." wika ni Rheena. She want to know the truth from her mouth. Ayaw niyang mag conclude agad ng hindi niya naririnig ang sides nito. Natigilan si Eula sa kanyang ginagawa. Napalingon siya rito. "Oh! Anong pag uusapan natin. Anyway nagawa mo na ba ang pinapagawa ko sayo??" tanong ni Eula. "Hindi pa gusto ko pang malamang kung bakit mo aalisin ang taong masipag naman? May nangyari bang hindi ko alam?" usisa ni Rheena. At sa tono ng boses nito mukhang may alam na siya kaya hindi niya pwedeng itanggi. "Gusto ko siyang kunin na personal body guard ko. Alam mo naman mapanganib ang buhay ko kay Ramon. Alam mo ba na hindi nagsuicide si Attorney Jezza kundi pinatay siya." pagsisiwalat niya ng katotohanan rito. Natigilan si Rheena. "W-What?? Paano at saan mo naman nalaman yan?" tanong nito at nacurious na sa kaso ni Attorney Jezza. Nawala na ang tugkol kay Luiz. "Sa CCTV footage.

  • When 'I Love You' Wasn't Enough    Kabanata 00011

    Kinabukasan naihatid na ni Luiz si Eula sa kanyang condo. Iniwan na rin niya ang sasakyan ni Miss Rheena. Gusto niyang magpahinga pagdating ng kanyang bahay dahil hanggang ngayon para siyang nasa alapaap. Pagdating niya ng bahay. Nakita niya si Rubi na nasa labas ng kanyang bakod na gawa sa kahoy. "Hoy! Bakit ngayon ka lang umuwi? Saan ka pumunta? Bigla kang nawala kagabi? Wala ka naman sa ospital hmmm." usisa ni Rubi at hindi niya alam kung sasabihin niya ba rito ang totoo. Nagdadalawang isip siya dahil madaldal itong tombits na 'to kaya sa huli hindi na lang. "May pinuntahan lang ako. Sige na, Rubs at pagod ako." sagot niya para umiwas rito. Ayaw niyang makipag usap muna sa kaibigan. Nang maka alis si Luiz sa harapan ni Rubi. Napakamot na lang ito sa kanyang ulo. "Luh? Anong problema noon. Nagtatanong lang naman ako ah!" anas niya. "Maka alis na nga lang." Naglakad na rin ito papalayo ng bahay ni Luiz. Hindi talaga niya maintindihan ngayon ang kanyang kaibigan. Habang s

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status