THIRD POVTahimik ang mansion.Nakaupo si Ace sa malaking sofa sa sala, nakatitig sa wala, parang nakulong sa sariling isip.Dalawang buwan na rin ang lumipas... ngunit wala pa rin si Almira.Hindi niya mahanap, at kahit anong gawin niya, parang palaging nawawala ang bawat bakas ng babaeng mahal niya.Nariyan ang mga kasama niya sina Vayne at Shadow, pati si Leigh nakaupo sa paligid, sinusubukan siyang samahan.Ngunit kahit andiyan sila, tila ba wala rin sila sa mundo niya.Tulala siyang nakatitig sa hangin, sa sahig, sa bintana... kahit saan.Damdamin niya ay naguguluhan, at sa bawat sandali, bumabalik sa isip niya ang mga ngiti ni Almira.Ang paraan ng tawa niya, ang init ng titig niya, kahit ang mga simpleng galaw niya lahat ay malinaw pa rin sa alaala ni Ace.Tahimik, malungkot, at unti-unting napapaluha siya sa dami ng pangungulila..Luha?Isang damdaming ngayon niya lang naramdaman..Luha, Ganito pala ang luha... Bulong niya sa sarili habang ramdam ang paninikip ng dibdib, napap
Dernière mise à jour : 2026-08-21 Read More