ALMIRA POVNakatingin ako sa paligid ng mansion, kumikislap ang liwanag sa mga crystal glasses at puting linen ng mga mesa. Mabango ang bulaklak, at maayos ang musika na pumupuno sa paligid ngunit sa kabila ng lahat, mas ramdam ko ang presensya ni Ace sa tabi ko.Hawak ko ang kanyang kamay, at bawat galaw niya ay maingat at kontrolado. Malamig ang aura niya, tila sinusuri niya ang bawat bisita, bawat galaw sa paligid. Ang titig niya ay matalim at walang pinapalampas—pero sa akin, may halo itong pangangalaga.Ang reception ay ginanap sa mansion Ng magulang ni ace..Masyado kasing malayo kung doon pa sa mansion niya..Sila mama at kuya mario ay masayang masaya din..Si Ace, kahit sa gitna ng kasiyahan, ramdam ko na siya ay nakatutok sa akin isang presensya na nakaka-intimidate para sa iba, ngunit para sa akin ay nagdadala ng katiyakan at proteksyon.Huminga ako nang malalim, bahagyang ngumiti, at pinisil ang kanyang kamay. Kahit iba siya, alam ko sa puso ko na pipiliin ko siyang mahalin
Last Updated : 2026-08-23 Read more