Third POV... Dahil sa sobrang lalim ng iniisip ni Almira, hindi na niya namalayan na nakatulog na pala siya sa sofa.Tahimik ang paligid, wala na din ang Malakas na ulan.hanggang umabot ng ala siete ng Gabi Hindi parin ito nagigising..Mula sa hagdan, muling bumaba si Ace.Nakaitim siya mula ulo hanggang paa—itim na jacket, itim na cap, itim na pantalon, at rubber shoes. Tahimik siyang lumapit kay Almira, saka huminto sa harapan nito.Ilang segundo siyang nakatitig lang.Bahagya siyang ngumisi habang pinagmamasdan ang dalagang mahimbing na natutulog, na para bang may isang lihim siyang tanging siya lang ang nakakaalam.Pagkaraan ng ilang sandali, tumalikod siya at tahimik na naglakad pababa ng basement.Habang bumababa sa hagdan, dinukot niya ang sigarilyo, sinindihan iyon, at dahan-dahang humithit.Ang bawat bugso ng usok ay unti-unting humalo sa malamlam na ilaw ng basement, lalo pang nagpapatingkad sa malamig at misteryosong aura ng isang taong sanay mabuhay sa dilim.Maraming pa
Last Updated : 2026-08-15 Read more