Almira's POV... Pinilit kong kumawala sa pagkakayakap niya, pero sa halip, nalaglag ako sa sahig!Napadilat si Ace, bahagyang nagulat, saka marahang napaupo sa kama.“K-kinuha mo ba ako sa sofa kagabi…?” tanong ko, halos hindi makatingin sa kanya.Napangisi lang siya, saka dahan-dahang tumayo.Tumingin muna sa relo sa pulso, bago walang sabi-sabing hinubad ang suot niyang shirt.Napaatras ako, halos matigilan, Napapalunok sa kanyang magandang hubog ng katawan!“A-Ace… h-hindi pwede dito!” halos pasigaw kong sabi, pilit nilalakasan ang boses kahit nanginginig.Kumunot ang noo niya, bahagyang nagtaas ng kilay.. at bago ko pa man maituloy ang sasabihin ko, ibinato niya sa mukha ko ang hinubad niyang damit!“Maliligo lang ako,” aniya, sabay ngisi.“Hiraman mo ako ng damit kay bayaw.”Nanlaki ang mata ko, namula hanggang tenga.“Bayaw ka diyan!” singhal ko, pero narinig ko lang siyang mahina pang tumawa habang papasok ng banyo.Paglabas ko ng kwarto, nabungaran ko sina Mama at Kuya sa kus
Last Updated : 2026-08-20 Read more