Share

Chapter 35

Author: Luffytaro
last update publish date: 2026-09-17 15:25:30

BAWAT palapag ng building ay ipinakita ng owner kay Zach at masasabi niyang nasa maganda pa namang lagay ang building at wala pa gaanong kailangang ayusin. Ito ay isang commercial building ngunit ang ibang palapag ay walang nagrerenta kaya bakante. May mga office sa baba at sa bandang itaas naman ay doon na walang tao. Sa pinakataas na palapag ay hindi pa natatapos dahil daw kinulang na ng budget.

“The reason why I am selling this is because, wala kaming anak ng asawa ko at gusto niya ng mag-se
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Betrayed by My Ex-Husband, Claimed by His Stepbrother   Chapter 35

    BAWAT palapag ng building ay ipinakita ng owner kay Zach at masasabi niyang nasa maganda pa namang lagay ang building at wala pa gaanong kailangang ayusin. Ito ay isang commercial building ngunit ang ibang palapag ay walang nagrerenta kaya bakante. May mga office sa baba at sa bandang itaas naman ay doon na walang tao. Sa pinakataas na palapag ay hindi pa natatapos dahil daw kinulang na ng budget.“The reason why I am selling this is because, wala kaming anak ng asawa ko at gusto niya ng mag-settle sa tabi ng bundok kung saan ay tahimik, payapa at may sariwang hangin. Sawa na raw siya sa city life at gusto na lang niya i-enjoy ang buhay naming dalawa na magkasama.” paliwanag sa kaniya ng owner ng building.Sa tantiya niya ay nasa early seventy na siguro ito dahi medyo matanda na ito. Pero ang hindi niya maintindihan, personal itong tumawag sa assistant niya para ialok sa kaniya ang building. “I am just curious sir, why me? I mean, marami namang pwedeng bumili pero bakit ako ang pinili

  • Betrayed by My Ex-Husband, Claimed by His Stepbrother   Chapter 34

    TAHIMIK na nakatanaw sa labas ng bintana si Zach habang may hawak na baso ng alak. Simula dumating sila ni Thea ay hindi na mawala sa isip niya ang eksenang nakita niya kanina sa rooftop at sa totoo lang, wala lang naman iyon sa kaniya dahil wala naman siyang nararamdaman na kahit na ano para kay Thea. kaya lang ay hindi niya maiwasang hidni mainis dahil paano kung patuloy itong i-pursue ni Justin kahit na may babae pa ito lalo na at nakita niya kung paano nito pagsalitaan ang babae.Matagal na nagsama ang mga ito bilang mag-asawa at alam niya na malalim ang nararamdaman ni Thea para rito. Kahit na niloko ito ni Justin, hindi naman basta-bastang mawawala ang damdamin ni Thea para rito. Hindi iyon basta naisip niya lang na kalimutan ito ay makakalimutan na nga talaga nito ito kaagad.Ngayon ay hindi niya maiwasang hindi isipin kung tama nga ba na nakipagtulungan siya kay Thea sa plano niya. Pero umaasa siya na tutupad ito sa napagkasunduan nila lalo na at kitang-kita niya naman sa mga

  • Betrayed by My Ex-Husband, Claimed by His Stepbrother   Chapter 33

    NAGPAKAWALA ng isang mahabang buntong hininga si Thea pagkasara niya ng pinto ng silid niya. Ilang oras lang sila halos sa party na iyon pero pakiramdam niya ay pagod na pagod siya. Hindi niya akalaing ganito pala ang pakiramdam kapag muli silang magkikita ni Justin. Pero nakadagdag din kasi sa pagod niya ang pakikipag-usap sa mga tao na walang ibang ginawa kundi ang magtanong tungkol sa personal niyang buhay.Naiinis man siya kanina ay hindi naman siya pwedeng sumimangot sa harapan ng mga ito kundi, syempre ay kinailangan niyang ngumiti pa rin kahit na gusto na niyang umalis doon. Mabuti na lang at nang sabihin niya kay Zach na gusto niya ng umuwi ay hindi na ito nagdalawang isip pa.Mabilis siyang naghubad ng kanyang suot at pagkatapos ay pumasok sa banyo para tanggalin ang kanyang makeup. Nang matapos siya at tuluyang nakapagbihis na ay ibinagsak niya ang sarili sa kanyang kama. Pagod na pagod talaga siya. Matagal-tagal na rin kasi noong huli siyang dumalo sa ganung klaseng pagtit

  • Betrayed by My Ex-Husband, Claimed by His Stepbrother   Chapter 32

    ISANG ngiti ang sumilay sa mga labi ni Zach nang maalala niya ang mga bagay na iyon. Hindi niya inaasahang maaalala niya iyon noong mga oras na iyon. “What inspire me?” ulit niya sa tanong ng lalaking nasa tabi niya.Simple lang. Noong magising siya, isinumpa niya na pagababayarin niya ang mga taong iyon na dahilan ng pagkawala ng kanyang ina. All he wanted is to get revenge.“To tell you the truth, all I want is to be a better person. To be the man I promised for my late mother. I want to be successful even though she is no longer here. I know kung anuman ang maabot ko ngayon ay masaya siya para sa akin.”Sandali itong hindi sumagot bago narinig ang mahinang tawa. Nilingon niya ito. Tumaas ang kilay niya. “To be honest, wala talagang balak na mag-invest si Dad sa kumpanya mo pero nang makita kita. There was something telling me to approach you, to invest in your company. I said to my Dad I am pulling all my savings at pahiramin niya muna ako ng pang-invest sa kumpanya mo.”Tumaas ang

  • Betrayed by My Ex-Husband, Claimed by His Stepbrother   Chapter 31

    “ARE you okay?” tanong ni Zach sa kaniya. Kararating lang din nito at hindi niya alam kung saan ito galing. Marahan siyang umiling.“I’m fine.” uminom siya sa kanyang baso. Ilang tao na ang nakausap niya kanina bago siya makabalik sa mesa nila at lahat ng mga ito ay nagtatanong kung ano ba talaga ang nangyari sa pagitan nila ni Justin. Hindi naman siguro lingid sa kaalaman ng lahat na naghiwalay na sila dahil nga sa pangloloko nito sa kaniya.Gusto lang nilang maki-isyoso pero syempre ay ngumiti lang siya at hindi nagkomento. Hahaba pa kasi ang usapan. Hindi din naman siya komportable na pag-usapan ang tungkol sa bagay na iyon dahil kapag naiisip niya ang ginawa sa kaniya ni Justin ay pakirot lang ng pakirot ang dibdib niya.“We can go home if you want. Lalo na at mukhang hindi ka komportable.”Umiling siya. “No, it’s okay.” Kung uuwi siya at aatras dahil sa pagkikita nila ni Justin, hindi ba at sayang naman ang pagpunta niya doon? Sayang naman ang effort nila ni Zach. napagkasunduan

  • Betrayed by My Ex-Husband, Claimed by His Stepbrother   Chapter 30

    MULING napasuntok sa pader si Justin dahil sa galit niya. “Fvck! Fvck! Fvck!” galit na galit na usal niya habang patuloy sa pagsuntok sa pader.Halos nagtaas baba ang kanyang dibdib. Hindi niya nakontrol ang bibig niya at alam niyang nasaktan niya si Denise sa sinabi niya pero totoo naman ang lahat ng iyon. Mas mainam na rin na alam nito ang lugar nito sa buhay niya.“I didn't intend to hear that, I’m sorry.” sabi ng isang tinig sa likuran niya dahilan para mapalingon siya ng wala sa oras.Nakita niya si Zach na nakatayo doon at may hawak na isang baso ng alak.Umigting ang paa niya at inisang hakbang ang pagitan nilang dalawa. Hinawakan niya kaagad ito sa kwelyo at isinandal sa pader habang nag-aapoy ang mga mata niya sa matinding galit. Ang mga ugat sa kanyang noo at kamay ay halata na rin sa matinding emosyon na nararamdaman niya. Kung siya lang ang tatanungin, mas gusto niya sana itong suntukin para damang-dama nito ang galit niya pero bakit niya sasayangin ang lakas sa ganitong k

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status