Matapos ang madamdaming pagbabalik ng buong memorya ni Celeste at ang paglilinaw sa kaniyang nakaraan, tila nabunutan ng isang napakalaking tinik ang kaniyang dibdib. Ang dating bumabalot na pait, palaisipan, at ang nakakapanibagong kawalan ng kasagutan noong nagising siya mula sa tatlong buwang coma ay tuluyan nang napalitan ng pambihirang kapayapaan. Ang lahat ng bubog ng kahapon, mula sa pambabastos ni Samuel, ang pagtakas niya sa gitna ng kadiliman, hanggang sa maaliwalas na umagang iyon sa San Gabriel Provincial Hospital kung saan isinugod ang isang duguang Gregory Lazarus, ay maliwanag na tulad ng sikat ng araw. Isang maaliwalas, malamig, at napakatahimik na gabi sa Penthouse. Matapo maipasuso ni Celeste si Baby Gabriel, mahimbing na natulog ang sanggol sa kaniyang custom mahogany crib sa loob ng grand nursery room. Habang nakatitig si Celeste sa kaniyang natutulog na anak, hinahaplos ang malambot nitong pisngi na tulad na tulad ng sa ama nito, dahan-dahang pumasok si Gregory
Dernière mise à jour : 2026-09-11 Read More