Nakaluhod si Cassian sa harap niya, ngunit si Kiara ang tila hindi makagalaw.Kumikinang ang singsing sa pagitan nila. Sa likuran nito, nasa glass displays ang mga alahas na minsan niyang ginawa sa puyat, pagod, at pananabik na may makapansin.Ngayon, naroon ang pangalan niya sa bawat label.At nang lumingon siya sa mga pumalakpak, nakita niya ang kanyang pamilya at mga kaibigan, magkakasamang naghihintay sa sagot niya.Nasa unahan sina Carmela at Danilo. Magkahawak sa braso sina Kendra at Klaire, parehong nakangiti. Sa tabi ni Calix, kumaway sa kanya si Troy.Napahawak si Carmela sa dibdib. Si Danilo naman ay tumango nang magtama ang kanilang mga mata.Walang nag-udyok. Walang sumigaw na sagutin na niya.Naroon din si Lola Isabel na masayang masaya para sa apo.Binalingan niya si Cassian.Namumula ang mga mata nito. Nanginginig ang kamay na may hawak sa singsing, pero hindi nito ibinaba.“Kiara?”“Binibigyan kita ng pagkakataon,” sabi niya.Tumango ito, nakatuon ang tingin sa kanya.“
Last Updated : 2026-09-14 Read more