Home / Romance / Too Late to Win Back His Betrayed Wife / Kabanata 148 This Time, It’s Forever

Share

Kabanata 148 This Time, It’s Forever

last update publish date: 2026-09-16 12:58:30

Huminga siya nang malalim.

“Cassian, minsan kitang minahal hanggang sa makalimutan kong mahalin ang sarili ko. Sa iyo umikot ang mundo ko. Nang mawala ka, natutuhan kong tumayo at buuin ang buhay ko nang hindi umaasang may ibang taong kukumpleto sa akin.”

Hindi umiwas ng tingin si Cassian. Namumula ang mga mata nito, at mas humigpit ang hawak sa mga kamay niya.

“Kaya kong mabuhay nang mag-isa, pero ikaw ang gusto kong makasama.”

Kumirot ang lalamunan ni Kiara, ngunit ipinagpatuloy niya.

Pinisil
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (3)
goodnovel comment avatar
Maria Bonifacia
Pwede po sa Book 3, hahaha! Thank you po
goodnovel comment avatar
Sim Ply
c Kendra ang nkasalo tpos c Tristan nman ....hahahaa.....Thanks miss A
goodnovel comment avatar
Maria Bonifacia
Abangan po ang last two episodes. Maraming salamat po sa pagsama kina Kiara at Cassian! I truly appreciate your support!
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Too Late to Win Back His Betrayed Wife   Kabanata 295 One More Chance to Love You

    “Nick, hindi ko na itutuloy ang pag-alis namin ng mga bata papuntang America.”Natigilan ang asawa.“Are you serious?”“Oo. Pinag-isipan ko itong mabuti.”Unti-unting lumapad ang ngiti ni Nick.“Sigurado ka? Maraming salamat.”“Nick, gusto kong maintindihan mo na hindi ko ginagawa ito dahil gusto mong manatili kami.”Tumango ito at hinayaang magpatuloy siya.“Ginagawa ko ito dahil nandito ang buhay na gusto kong ipagpatuloy. Ang trabaho ko, si Daddy, ang mga kaibigan ko, at ang mga anak natin. Ayokong umalis dahil lang nasaktan ako.”“Naiintindihan ko, Avery.”“Gusto ko ring bigyan ng pagkakataong maging maayos ang pamilya natin. Pero hindi ibig sabihin niyon na handa na akong bumalik sa dati nating pagsasama.”“Alam ko. Hindi ko naman inaasahang maaayos ang lahat dahil hindi na kayo aalis.”Ilang sandaling pinagmasdan siya ni Nick.“Puwede ba kitang yakapin?”Ngumiti si Avery bago lumapit.“Puwede.”Binalot siya ng mga bisig nito. Ipininid niya ang mga mata at isinandal ang pisngi sa

  • Too Late to Win Back His Betrayed Wife   Kabanata 294 Love, Forgiveness, and New Beginnings

    Nakatitig si Avery sa asawa habang naghihintay ng sagot. Nakatigil pa rin ang kanilang sasakyan sa pulang ilaw ng trapiko. Sa likurang upuan, mahimbing na natutulog sina Nikolai at Nathalia.“Hindi ko alam kung may tamang paraan para magpatawad at muling magtiwala, Avery.”Huminga nang malalim si Nick.“Pero hindi naman ako nagmamadali. I'm willing to wait. Kung kailangan mo ng panahon, ibibigay ko.”Naging berde ang ilaw. Binitiwan nito ang kanyang kamay at muling nagmaneho.“Siguro kailangan ko munang tanggapin na mahal pa kita kahit nasaktan mo ako,” sabi ni Avery.“Hindi mo kailangang ikahiya iyon.”“Pero hindi ibig sabihin na nakalimutan ko na ang lahat.”“Alam ko.”“Gusto muna kitang makilala ulit, Nick. Hindi bilang asawa kong akala ko ay kilalang-kilala ko na, kundi bilang lalaking nakikita ko ngayon.”“Gusto ko rin iyon, Avery. Gusto din makilala ka ulit.”Nang makarating sila sa mansyon, ipinarada ni Nick ang sasakyan. Binuhat nito si Nathalia habang ginising naman ni Avery

  • Too Late to Win Back His Betrayed Wife   Kabanata 293 The Courage to Forgive

    “Hindi, Avery. Kung pinili ni Mommy na umalis noon, maiintindihan ko.”“Talaga?”“Oo. Hindi niya obligasyong manatili sa isang pagsasamang paulit-ulit siyang sinasaktan.”Napaisip si Avery sa sinabi ng asawa.“Kung ganoon, bakit gusto mong bumalik ako sa iyo?”“Dahil mahal kita at gusto kong itama ang mga pagkakamali ko. Ipinagdarasal ko araw-araw na mabigyan mo ako ng pangalawang pagkakataon.”“Hindi ka ba natatakot na matulad ka sa Daddy mo?”Napabuntong-hininga si Nick.“Ang masakit, Avery, natulad na ako sa kanya. Ginawa ko sa iyo ang mga bagay na nakita kong nakakasakit kay Mommy noon.”Hindi nakapagsalita si Avery.“Hindi ko mababago ang naging buhay nina Mommy at Daddy. Pero nakita ko rin na kahit ano ang nangyari, ayaw nilang maghiwalay. Para sa akin, pareho silang lumaban para sa pagsasama nila.”“Pero hindi ibig sabihin noon na obligasyon kong gawin ang ginawa ng Mommy mo.”“Alam ko. At hindi ko iyon hinihingi sa iyo.”“Nick, hindi lang pagiging faithful ang kailangan kong m

  • Too Late to Win Back His Betrayed Wife   Kabanata 292 The Courage to Love Again

    Matagal na tinitigan ni Avery si Nick. Magkahawak pa rin ang kanilang mga kamay sa ibabaw ng mesa.“Nick, gusto kong subukan. Pero magulo pa ang utak ko. Hindi pa ako sigurado.”Tumango ang asawa.“Hindi kita mamadaliin, Avery. Hayaan mo lamang akong mahalin ka at ang mga anak natin.”“Baka mahirapan ka sa akin. Baka sumuko ka agad.”Ngumiti ito. “Nakahanda akong mahirapan para sa iyo.”“Nick!”“Joke lang, sweetheart.”Napatawa siya at kinurot ang kamay nito.Pagkatapos magbayad ni Nick, lumabas sila ng restaurant. Inalalayan siya nitong sumakay sa sasakyan bago umikot sa driver's side at pinaandar ito.Habang pauwi, napag-usapan nila ang susunod na family dinner kasama ang mga anak. Nangako si Nick na darating sa napagkasunduan nilang oras.Pagdating sa mansyon, inihatid siya nito hanggang sa pintuan.“Thank you for tonight, Nick.”“May second date ba?”“Depende.”“Pa-kiss muna. Tsaka ka magdesisyon.”Napailing siya. “Ang daya mo naman.”“Manliligaw lang na nagbabakasakali.”Hinawaka

  • Too Late to Win Back His Betrayed Wife   Kabanata 291 Courting His Wife Again

    Natigilan si Avery sa tanong ni Nick. Magkahawak pa rin ang kanilang mga kamay habang nakatayo sa garden ng mansyon.“Nick, kasal pa rin tayo. Hindi ba weird na liligawan mo ulit ang sarili mong asawa?”Ngumiti ito. “Hindi. Gusto kitang suyuin araw-araw sa buong buhay ko.”“Baka magsawa ka.”“Hindi ako magsasawa. Pero kung magsawa ka sa akin, sasabihin mo lang. Pero sorry, hindi ako titigil sa panunuyo sa’yo.”Napatawa siya. “Ang korni mo, Nick.”“Mas gusto kong nakikita kang tumatawa kaysa umiiyak dahil sa akin.”Nawala ang ngiti ni Avery.“Nick, kapag pumayag akong ligawan mo ako, hindi ibig sabihin na siguradong magkakabalikan tayo.”“I know.”“Paano kung hindi ko na kayang ibalik ang dati nating relasyon?”“Hindi naman ang dati nating relasyon ang gusto kong ibalik, Avery. Gusto kong bumuo tayo ng mas maayos na pagsasama kaysa dati, kung papayag ka. Magsimula tayo uli.”Pinagmasdan niya ang asawa. Sa pagkakataong iyon, wala itong hinihinging pangako kundi pahintulot na subukan.“S

  • Too Late to Win Back His Betrayed Wife   Kabanata 290 Winning Back What Matters Most

    Hindi pinagsisihan ni Avery ang pagsisiping nilang mag-asawa. Ngunit habang nakatingin kay Nick na mahimbing na natutulog sa kanyang tabi, nakaramdam siya ng kaba.Paano kung umasa itong maaari na silang magsimulang muli?Naalala niya ang mga halik at yakap nila kagabi. Matagal na niyang hindi nararanasan ang ganoong kapanatagan sa piling ng asawa. Gayunman, hindi pa nawawala ang takot niyang muling masaktan.Gumalaw si Nick at iminulat ang mga mata.“Good morning, beautiful.”Napangiti siya. “Good morning.”Hinalikan nito ang kanyang noo.“Are you okay?”“Oo. Pero may gusto sana akong sabihin sa iyo.”Umupo siya sa kama at humarap dito.“Nick, gusto kong malaman mo na hindi ko pinagsisisihan ang nangyari sa atin kagabi.”Ngumiti ito.“Pero hindi ibig sabihin na handa na akong makipagbalikan.”“Avery, hindi ko naman inisip na dahil may nangyari sa atin, okay na ang lahat.”“I just don't want to give you false hope.”Hinawakan nito ang kanyang kamay.“Hindi mo ako binigyan ng false hop

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status