Hindi kaagad sumagot si Kiara. Nakatitig pa rin sa kanya si Cassian habang hinihintay ang sagot, ngunit walang pamimilit sa mga mata nito.“To be honest, hindi ko pa alam,” pag-amin niya. “Gusto ng puso ko, pero ayaw pa ng utak ko.”Nawala ang mapaglarong ngiti ni Cassian. “Naiintindihan ko.”“Talaga?”“Hindi ko gusto ang sagot mo, pero naiintindihan ko kung bakit hindi ka pa sigurado.” Hinaplos nito ang kamay niya. “Sabi ko naman sa’yo, handa akong maghintay.”Bago pa siya makasagot, bumukas ang p***o ng bahay.Lumabas sina Kendra at Klaire na may dalang mga paper bag na iuuwi nila. Kasunod nila si Sierra, hawak ang stuffed toy at inaantok na naglalakad patungo sa kanila.Palipat-lipat ang tingin ni Kendra kina Kiara at Cassian.“Nakaabala ba kami?” tanong nito.“Wala,” mabilis na sagot ni Kiara.“Wala raw,” ulit ni Klaire habang pinagmamasdan silang dalawa. “Muling ibalik ang tamis ng pag-ibig. Sayang naman ang...” anitong kumakanta.“Kayo na nga ang maglagay ng mga bag sa sasakyan,”
Last Updated : 2026-09-12 Read more