“Hindi ako sasali.”Huminto si Kiara at hinarap ang asawa sa tahimik na hallway ng ospital.“Pumili ka ng ibang designer. Ayoko nang akuin ang panibagong project.”“Hindi ito simpleng project,” sagot ni Cassian. “International competition ito. Malaking oportunidad para sa Montecillo.”“Mas lalo akong walang oras. Nasa ospital pa si Daddy.”Tumigas ang mukha ng lalaki. “At sino ang nagbayad ng halos dalawang milyon para mailigtas siya?”Parang may malamig na tubig na ibinuhos sa buong katawan ni Kiara.“Ano?”“Binayaran ko ang transfer, procedure, professional fees, gamot, at ICU stay ng daddy mo. Kakabayad ko rin ng tuition ng mga kapatid mo para sa buong taon. Kaya huwag mong sabihing wala kang oras para sa kumpanyang pinanggagalingan ng perang tumutulong sa pamilya mo.”Akala niya, tumulong ito dahil pamilya rin nito sina Danilo, Carmela, at mga kapatid niya. Akala niya, kahit wala itong pagmamahal sa kanya, may malasakit man lamang ito sa mga taong mahal niya.Ngayon, malinaw na may
Last Updated : 2026-08-16 Read more