“Oo naman.”Humigpit ang hawak niya sa cellphone. “Hihintayin ko munang matapos ang thirty-day turnover bago ako makapagbigay sa iyo ng bagong design.”Ilang segundo itong natahimik.“So, you mean nag-resign ka na sa Montecillo?”“Oo.”Mabilis ang naging sagot ni Tristan.“Kung ganoon, ngayon pa lang, welcome to Royal Gemworks.”“Salamat, pero—”“Creative director ang posisyong iniaalok ko sa iyo,” agad na paliwanag ni Tristan sa kabilang linya. “You’ll have your own team, at ikaw ang may final say sa magiging direksiyon ng bawat collection. At siyempre, ilalagay ang pangalan mo sa lahat ng ididisenyo mo.”Napahawak si Kiara sa gilid ng mesa.Limang taon niyang ibinigay ang talento niya sa Montecillo Fine Jewelry, ngunit pangalan ng pamilya ni Cassian ang nakatatak sa bawat tagumpay na pinaghirapan niya. Ngayon, may isang kumpanyang handang kilalanin siya hindi lamang bilang empleyado kundi bilang artist.“Pero, hpa indi ako gagawa o magbibigay ng kahit anong design sa Royal Gemworks h
Last Updated : 2026-08-23 Read more