Kung talagang nagkabalikan na sina Natasha at Carl, wala nang dahilan para ipagpatuloy ni Cassian ang relasyon sa dating kasintahan.Iyon ang pinanghawakan ni Kiara nang patayin niya ang screen ng cellphone.Hindi sapat ang isang litrato upang patunayang si Natasha nga ang babaeng kasama ni Carl. Gayunman, ang bracelet, lokasyon, at pananahimik ni Natasha sa social media ay nagbigay sa kanya ng pag-asang baka natapos na ang pagtataksil nang hindi niya kailangang ilantad ang mga ebidensiya.Kinabukasan, hinatid siya ni Cassian sa opisina.Pagkababa nito, umikot ito sa passenger side at pinagbuksan siya ng pinto. Inilahad pa nito ang kamay upang alalayan siya.“Hindi naman ako pilay,” biro niya.“Bawal na ba akong maging gentleman sa asawa ko?”Tinanggap ni Kiara ang kamay nito. Pagkatayo niya, inayos ni Cassian ang kuwelyo ng blouse niya bago ipinatong ang palad sa kanyang likod.Napansin niyang nakatingin sa kanila ang dalawang empleyadong papasok sa gusali. Nang magtagpo ang mga mata
Last Updated : 2026-08-18 Read more