“Anong sabi mo?” tanong ni Cassian.Hindi nito gaanong narinig ang ibinulong ni Kiara. Nasa kalagitnaan na siya ng hagdan at nakatalikod dito.“Wala,” sagot niya bago nagpatuloy sa pag-akyat.“Aba’t talagang ginagalit mo ako!”Pumasok siya sa kanilang silid, ngunit hindi niya naisara nang maayos ang p***o. Naiwan iyong bahagyang nakabukas. Narinig niyang sumunod si Cassian sa hagdan, ngunit bago pa ito makarating sa tapat ng silid, nagsalita si Natasha.“Love, hayaan mo na lang ang asawa mo.”Napatigil si Kiara.Love.Limang taon silang kasal ni Cassian, ngunit hindi sila nagkaroon ng ganoong tawagan. Dati, tinawag niya itong “mahal,” ngunit sinabi nitong corny iyon. Ngayon, “Love” ang tawagan nila ni Natasha.Kinuha niya ang cellphone sa bag at binuksan ang recorder. Lumapit siya sa p***o upang mas luminaw ang mga boses sa hallway.Hinawakan ni Natasha ang braso ni Cassian. “Sabi mo ipapasyal mo ako today. Wala namang office. Tara, mamasyal tayo.”“Tash, busy ako. Malapit na ang launc
Last Updated : 2026-08-13 Read more