Tuluyan nang nabura ang linya sa pagitan ng poot at pagnanasa.Sa gitna ng wasak na opisina ni Atty. Yohann Rosalez, walang ibang narinig si Gabriella kundi ang sarili niyang mabilis na paghinga at ang mabigat na ungol ng lalaking kahalikan niya. Nalalasahan niya ang kalawangin at maalat na dugo mula sa putok nitong labi, ngunit imbes na mandiri, mas lalo lamang nitong pinag-alab ang kakaibang apoy sa kaniyang sistema.Nang tuluyan silang maghiwalay upang humabol ng hininga, nakadikit pa rin ang noo ni Yohann sa noo ni Gabriella. Pareho silang naghahabol ng hangin, ang mga mata ay nag-uusap sa isang lengguwaheng silang dalawa lamang ang nakakaintindi."Kailangan mo ng doktor," humihingal at nanginginig na bulong ni Gabriella, ang kaniyang mga daliri ay nakakapit pa rin sa napunit at duguang polo ng abugado. "Dadalhin kita sa Lorenzo Medical Center. Tatawagan ko si Kuya Dominic—""No," mabilis at pormal na putol ni Yohann, pilit na umayos ng upo bagama't napadaing ito nang bahagya dahi
آخر تحديث : 2026-09-25 اقرأ المزيد