Ang pribadong opisina ni Gabriel Lorenzo sa loob ng mansyon ay isang lugar na bihira lamang buksan. Nag-uumapaw ito sa amoy ng lumang kahoy, mamahaling tabako, at kapangyarihan. Dito ginagawa ang mga desisyong nagpapabagsak ng mga korporasyon at nagtataas ng mga pulitiko.Ngunit ngayong hapon, ang silid na ito ay naging isang war room.Nakatayo si Atty. Gabriella Lorenzo sa harap ng isang malaking smart board. Sa screen, nakapaskil ang isang masalimuot na web ng mga kumpanya, offshore accounts, at mga pangalan ng makapangyarihang tao, lahat ay nakakonekta sa nag-iisang mukha sa gitna: si Don Armando Imperial.Tahimik na pinagmamasdan ni Gabriella ang board. Ang kaniyang isipan ay mabilis na nag-a-analisa bilang isang piskal. Kanina lang, akala niya ay guguho na ang mundo niya. Ngayon, nasa likuran niya ang pinakamalakas na alyansa sa buong Pilipinas.Sa kaniyang kanan, nakaupo sa paborito nitong leather armchair ang kaniyang ama na si Gabriel Lorenzo. Sa kabilang gilid ay ang kaniyang
Last Updated : 2026-10-10 Read more