Tahimik ang buong opisina ni Dr. Dominic Lorenzo. Ang tanging naririnig lamang sa loob ng apat na sulok ng kwarto ay ang mahinang ugong ng aircon at ang malalim, pantay na paghinga nilang dalawa.Nakahiga si Maya sa mahabang leather sofa, nakasandal ang kaniyang ulo sa matipunong dibdib ni Dominic. Suot pa rin niya ang oversized na gray t-shirt ng doktor, habang si Dominic naman ay nakapagsuot na ng kaniyang dark blue sweatpants, bagama't nanatiling walang saplot ang pang-itaas nitong katawan.Akala ni Maya, matapos ang nagbabagang tagpo nila sa loob ng banyo, ay tuluyan na silang magpapahinga. Ngunit habang hinahaplos ni Dominic ang kaniyang buhok, naramdaman ni Maya ang unti-unting pagbabago sa paghinga ng lalaki. Ang mga daliri ng doktor na kanina ay maingat na nagsusuklay sa kaniyang buhok, ay ngayon dahan-dahang gumagapang pababa sa kaniyang leeg, patungo sa kaniyang balikat."Dominic..." mahinang sita ni Maya, pilit na ipinipikit ang kaniyang mga mata. "Akala ko ba... magpapahin
Last Updated : 2026-09-16 Read more